Ang aswang at ang Mananggiti
Isang araw
merong isang mananggiti na nag ngangalang Juan. Ang panananggot na ang kanyang
hanap buhay mula bata hanggang mag binata sya. Madalas syang manananggot tuwing
lulubog ang araw hanggang gabi.
Kinalaunay hindi inasahan ang mga
pangyayari dahil sa kanyang naranasan tuwing sya ay mananananggot.
At dumating
ang araw na iyon na madalas siyang manananggot tuwing gabi dahil sa dami ng
kanyang gingawa sa araw araw. Ayun sa mga sabi sabi madami daw aswang na
namumuhay sa panahong iyon at madalas padaw may binabalita na may mga nawawala
nang tao, bata man o matanda. Ngunit itoy baliwala lang kay Juan dahil wala pa
naman daw balita sa kanila na may mga nawawala.
Ngunit
dumating ang gabi na yon nang siya ay nanananggot, ngunit sa gabing iyon tila may nararamdaman sya sa tuwing nasa taas
sya nang niyogan ay pansin nya ang malakas na hampas ng hangin at tila bay may
isang malalaking ibon na lumilipad-lipad sa tapat nang kanyang niyogan at may
boses pa itong tunog na waaaaak! Waaaaak! Waaaaak!. At dahil sa kanyang
napansin at narinig tila dinadapuan sya ng takot at kaba sakanyang naranasan na
baka magkatotoo nga ang mga sabi sabi. Dahil sa takot niya ay minamadali niya
ang kanyang panananggot hanggang sa masugatan niya ang kanyang kamay dahil sa
takot.
Dahil sa
takot niya at nagkaroon nang sugat tila bay parang tumatapang si Juan at parang
gusto niyang patayin ang aswang na iyon. Kaya pinagpatuloy niya ang kanyang
gingawa hanggang sa mapansin niyang hindi sya tinantanan ng aswang at tila
umaapaw narin si Juan sag galit niya sa aswang kaya hinamon niya ito at
nagsabing, magpakita ka aswang hindi ako natatakot sayo handa akong pumatay at
magpakamatay kaya ng marinig ito nang aswang ay biglang dinampot niya si Juan sa niyugan at ni lipad lipad ito
sa kagubatan hanggang saan siya dalhin ng aswang. Ngunit sa taas nang
pinagliparan nila ni Juan at nang aswang kumapit ito nang mahigpit si Juan sa
aswang at baka siya ay mahulog. Ngunit sa kanyang mahigpit na kapit tila napansin
ni Juan na nakapitan niya ang dibdib ng aswang at tila ba napansin ni Juan na
ang aswang ay isang napakagandang dalaga na may makinis na balat at may maputing
pangangatawan. Kaya kinapitan pa niya ito ng mahigpit hanggang sa makaramdam
ang aswang at nagpasya itong si Juan na bumaba nalang sila upang ipagpatuloy
ang kaligayahan.
Nang matapos
ang pangyayaring iyon tila bay napaka gaan ng pakiramdam ni Juan at sinabi niya
sa aswang na kung pwdi na syang ibalik sakanyang pinanggalingan upang maka uwi
na sya sa kanila. At sa gabing iyon naka
uwi din si Juan sa kanila na para bang walang nangyari.
Nang lumipas
ang gabi na iyon ay tila ba hindi ma wala wala sa isipan ni juan ang mga
nangyari. Kaya dahil sakanyang trabaho na panananggot bumalik ulit si Juan sa
kasunod nang gabing iyon upang manananggot ulit at nagbaka sakali na bumalik
ulit ang aswang sa gabing iyon. Ngunit sa kanyang panananggot tila bay may
napansin na nman syang malakas na hampas ng hangin sa kanyang niyugan at may boses na waaaaak! Waaaak!
Waaaak! At nang marinig ito ni Juan tila napasigaw siya sa aswang na, andito lang ako? Asan ka? At sagot naman nang
aswang manahimik ka gusto mupa yatang umulit.. hahahahahahaha kaya doon natapus
ang kwento nang Aswang at ang mananggiting si Juan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento